Sa tulong ng water desalination system, ang isang container ng tubig ay nagkakahalaga na lamang ng 20 pesos, mula sa 60 pesos na halaga nito. Ani Mayor Uy, “this translates for strong purchasing power for the residence of Mongpong who can now have money to save for other beneficial purposes”.
Kaya naman, saad ni kapitana na maituturing umano na katuparan ng pangarap at isang kasaysayan ang pagkakaroon ng water desalination sa isla. Bukod sa siguradong pagkukunan ng malinis na tubig, magbibigay daan ang water desalination system upang makaipon ang mga mamamayan para sa kanilang mga pamilya at magkaroon ng sapat na oras para makapag-aral, makapag-trabaho, o makibahagi sa mga mahahalagang aktibadades sa lugar.
“Kung kaya’t sa mga oras na ito ay labis labis at taos puso akong nagpapasalamat sa mga taong naging bahagi upang ang proyektong ito ay magkaroon ng katuparan. Sa DOST na laging kaagapay, walang sawang nagmahal, nagtiyaga, at nagsumikap upang maisakatuparan ang proyektong ito”
Binigyan diin naman ng Punong Panlalawigan na si Governor Presbitero Velasco Jr. ang kahalagahan ng pagkakaroon ng access sa mga pangunahing pangagailangan sa isla. Bukod sa water desalination, pinasalamatan ng gobernador ang DOST para sa pagbibigay ng mga teknolohiya na maaring makatugon sa iba’t ibang aspeto tulad na lamang ng malnutrition at edukasyon ng mga mamamayan sa lalawigan.