Matapos ang sunod-sunod na training, inspection, at grading mula July hangang October para sa 25 ambulant food vendors ng Odiongan, natanggap na ng sampung (10) mapalad na food vendors ang mga food-safety compliant food carts mula sa DOST-MIMAROPA. Ang sampung ambulant food vendors na ito ay ang mga pumasa sa tatlong inspection at nakakuha ng matataas na grado sa food-safety compliance.

Bukod sa carts, ang sampung food vendors ay nakatanggap din ng food safety kits na may nakapaloob na dish dryer, apron, mouth guard, hair net at water storage container for improvised handwashing station.

Ang mga grado na nakuha ng ating mga ambulant food vendors ay naglalayong mabigyan ng impormasyon ang consumers sa level ng food-safety compliance ng vendor. Ang mga grado ay nagkakahulugan ng sumusunod:

A – Excellent
B – Very Satisfactory
C – Satisfactory
D – Needs Improvement

Ang FEIGS o Food Establishment Inspection and Grading System ay isa sa mga proyekto ng DOST na naglalayong mabawasan ang mga foodborne diseases sa pamamagitan ng paghahanda at paghahain ng malinis na pagkain. Malaking aspeto nito ay ang mga kagamitan maging ang istruktura ng establisyemento kagaya na lamang ng food carts. Kaya naman, layunin ng DOST-Romblon na mamayagpag ang food safety maging sa mga street food vendors ng Odiongan at isa ang FEIGS at ang inisyatibong ito para mai-promote ang malinis at ligtas na pagkain para sa buong komunidad.