Normal
0




false
false
false

EN-PH
X-NONE
X-NONE



















































































































































































































































































































































































































/* Style Definitions */
table.MsoNormalTable
{mso-style-name:”Table Normal”;
mso-tstyle-rowband-size:0;
mso-tstyle-colband-size:0;
mso-style-noshow:yes;
mso-style-priority:99;
mso-style-parent:””;
mso-padding-alt:0cm 5.4pt 0cm 5.4pt;
mso-para-margin-top:0cm;
mso-para-margin-right:0cm;
mso-para-margin-bottom:8.0pt;
mso-para-margin-left:0cm;
line-height:107%;
mso-pagination:widow-orphan;
font-size:11.0pt;
font-family:”Calibri”,sans-serif;
mso-ascii-font-family:Calibri;
mso-ascii-theme-font:minor-latin;
mso-hansi-font-family:Calibri;
mso-hansi-theme-font:minor-latin;
mso-bidi-font-family:”Times New Roman”;
mso-bidi-theme-font:minor-bidi;
mso-fareast-language:EN-US;}

Mga manggagawa mula sa San Jose Family Care Credit Cooperative kasama sina Mr. Edgar F. Marquez (trainer) at ilang mga representatives mula sa DOST-MIMAROPA PSTC-Romblon 

Tumawid-dagat patungo sa Hambil kilala bilang Carabao Island o San Jose, Romblon ang DOST-MIMAROPA Provincial S&T Center sa Romblon (PSTC-Romblon) upang magsagawa ng pagsasanay sa paggawa ng iba’t ibang disenyo ng tsinelas at sapatos. Ang pagsasanay ay naglalayong tulungan ang San Jose Family Care Credit Cooperative na mas maisaayos ang produksyon at mapaganda ang kalidad ng mga lokal na tsinelas na ibinebenta sa lugar at karatig isla gaya ng Tablas at Boracay.

Ang San Jose Family Care Credit Cooperative ay isang grupong tinutulungan ng DOST-MIMAROPA sa pamamagitan ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST) Program. Magmula 2017, ang mga miyembro ng kooperatiba ay nasa larangan na ng paggawa ng mga tsinelas at sandalyas upang magkaroon ng pagkakakitaan.  Nakatanggap ang kooperatiba ng iba’t ibang technologies para sa paggawa ng kanilang produkto gaya ng embroidery machine at lockstitch sewing machine noong 2018, at hydraulic cutting machine at shoe grinding machine nung 2021. Ang mga teknolohiyang ito ay ginagamit upang mas mapaganda ang hitsura ng mga tsinelas, garantisado ang tibay, at para mas marami at mabilis  ang produksyon ng mga ito. 

From left to right: Mga teknolohiya na gamit sa paggawa ng tsinelas gaya ng hydraulic cutting machine, embroidery machine, at shoe grinding machine

Noong ika-23 at ika- 24 ng Pebrero 2022, kasama ang isang trainer sa paggawa ng mga tsinelas at sapatos, ay nagsagawa ng pagsasanay upang matulungan ang kooperatiba na mas mapalawak ang mga klase ng kanilang mga produkto at mas maisayos ang pamamaraan sa paggawa nito. Ilan sa mga bagay na pinagtuunan ng pansin ay paggawa ng “doll shoes” at ilang napapanahong disenyo ng tsinelas gaya ng slides, sandal-style, one-toe-post, spartan-type, at mga classic flip-flops. Gayundin, ibinahagi ng trainer ang mga prosesong dapat sundin para mapabilis ang produksyon, tamang paggamit ng raw materials gaya ng pandikit para mapanatiling matibay ang produkto, at ang pagpapanatili ng kalinisan at pagiging masinop sa paggamit ng materyales upang mabawasan ang mga tapon.

Ilan sa mga disenyo ng tsinelas na ginawa ng miyembro ng kooperatiba

Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:”Table Normal”; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-parent:””; mso-padding-alt:0cm 5.4pt 0cm 5.4pt; mso-para-margin-top:0cm; mso-para-margin-right:0cm; mso-para-margin-bottom:8.0pt; mso-para-margin-left:0cm; line-height:107%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:”Calibri”,sans-serif; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin; mso-bidi-font-family:”Times New Roman”; mso-bidi-theme-font:minor-bidi; mso-fareast-language:EN-US;}

Isa-isa ring tinutukan ng trainer ang mga manggagawa ng tsinelasan sa isang actual na pagdisenyo at paggawa ng mga kani-kanilang tsinelas at sapatos. Tuwa at pasasalamat ang ipinaabot ng mga miyembro ng kooperatiba sa DOST-MIMAROPA matapos ang pagsasanay. Ayon sa kanila, dahil sa mga bagong kaalaman nila ay makakapagdagdag sila ng produkto na maaring pagkakitahan.